Mabuti pa ang unan mo kasama 'pag gabi
Mabuti pa ang kumot mo kasiping sa tabi
Sa pag-uwi mo sila ang 'yong kasama (do do)
At sa pagtulog wala nang iba hay
'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo
Mabuti pa'ng panyo mo may dampi sa 'yong pisngi
At sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti
Sa pag-uwi ko 'yan ang naaalala (do do)
At sa pagtulog wala nang iba hay
'Yan ba nama'y malilimutan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo
Pangarap kita
Kahit papa'no pa kita isipin
Pangarap kita
Dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita
Gawin mo sana akong pangarap mo rin
Mabuti pa ang baso may tikim ng 'yong halik
Naiinggit ang labi kong laging nananabik
Sa 'king paggising 'yan ang naaalala (do do)
Tuwing umaga wala nang iba hay
'Yan ba nama'y maiiwasan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo
Kumot at unan mo (kumot at unan mo)
Kumot at unan mo (kumot at unan mo)
Kumot at unan mo
Lyrics provided by LRCLIB