Pagmulat ng mga mata
Kay ginhawang malamang sa'kin ka
Nakaulat na sa pahina
Mga suliranin na maari nating harapin
'Pag hindi alam ang kasagutan
Yayakapin kita't sasabihin
Sisikat din ang araw
Mga sulat ay silbing daan
Sa sagrado mong kabuuhan
Ang hudyat ay nahiwagaan
Ako na sa'yo ipagkakaloob
Ang lahat-lahat
Hanggang sa huling hinga
Itataya pati pato
Sagad ang aking pag-ibig
Sisiguraduhing
Sa piling ko'y tiyak ang ligaya
Ikaw lang ang iibigin
At 'di magdadalawang isip
Na ibaling ang dalisay kong sadya
Ang makasama ka hanggang sa pagtanda
Sarili ko ay handang
Isantabi para lang
Ipaalala ang lahat sa paraang
Gitara't tinig at awiting palatandaan
Nung unang araw na tayo'y pinagtagpo
Sa 'di inaasahang paraiso
Sagad ang aking pag-ibig
Sisiguraduhing
Sa piling ko'y tiyak ang ligaya
Ikaw lang ang iibigin
At 'di magdadalawang isip
Na ibaling ang dalisay kong sadya
Ang makasama ka hanggang sa pagtanda
Hahawiin lahat ng hadlang na paparating
Tatanawin natin nang sabay ang kinabukasan
Sa'yo sa'yo sa'yo
Sa'yo ko lang muli nasubukang lumipad
Sa'yo sa'yo sa'yo
Sa'yo ko lang muli nasubukang lumipad
Sa'yo sa'yo sa'yo
Sa'yo ko lang muli nasubukang lumipad
'Di magdadalawang isip
Na ibaling ang dalisay kong sadya
Ang makasama ka sa pagtanda
Lyrics provided by LRCLIB