Lyrics
Ika'y aking anaki Kalabuan sa pagkinang ng dagat at kisap ng buwan Bawat isa'y magka-kalahati Nasa atin na ang marahuyong balse ng gabi Siguro bale-wala ang lahat ng sikretong binulong mo Sa akin sa gitna ng dilim Siguro mas nais mo ang liwanag ng nakakasunog niyang piling Pakiusap na lang, walang manghihinayang
Dahil siya ang iyong pinili Sa'king panaginip, ikaw ang nasa isip Gusto ko nang magising Ba't 'di mo nabanggit? (nabanggit) Mahal mo na ang siya na dumarating at aalis ng bigla 'Di na lalayo sa bukang-liwayway na (liwayway) 'Di marunong magpaalam at agad mawawala Tayo ang tanging tahanan ngunit
Bakit mo napag-isipang magpakasakali? Kasalungat ba ang magbubuo at maghihilom ng pusong may kahati? Pakiusap na lang, walang manghihinayang Dahil siya ang iyong pinili Sa'king panaginip, ikaw ang nasa isip Gusto ko nang magising Bakit parang paulit-ulit lang Na kay dali-dali kong palitan
Kung kelan ko napag-isipang Magpakalakas-loob ay bigla lang bibitawan? O sinta, masisisi ba kita Kung mas mahal mo ang siyang 'di mo kilala? O Abad, masisisi ba kita Kung yun din ang aking ginagawa? Pakiusap muna, ako ang nararapat Ngunit 'di mo napansin ang ating tadhana 'Di mo masisisi ang nais kong pag-alis Na para bang pamahiin
Lyrics provided by LRCLIB
About this track
"Pakiusap" is a song by Cesca from the album Balse Ng Gabi.
More from this album
More Lyrics
Artist
Cesca →Album