Lyrics
Minsan sa may Kalayaan, tayo'y nagkatagpuan May mga sariling gimik at kanya-kanyang hangad sa buhay Sa ilalim ng iisang bubong, mga sikretong ibinubulong Kahit na ano'ng mangyari, kahit na saan ka man patungo
Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin Inuman hanggang sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan Sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nati'y walang laman Ngunit kahit na walang pera, ang bawat gabi'y anong saya
Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari Kahit na ano'ng gawin, lahat ng bagay ay mayro'ng hangganan Dahil ngayon, tayo ay nilimot ng kahapon 'Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling mapadaan, baka ikaw ay aking tawagan Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan
Lyrics provided by LRCLIB
About this track
"Minsan" is a song by Eraserheads from the album Circus.
More from this album
More Lyrics
Artist
Eraserheads →Album