Kung ako lang ang papipiliin
Kung ibabalik ba ang kamay ng oras
O lilipad sa hangin
Upang silipin ang aking hinaharap
'Di magdadalawang isip
Gusto kong makausap ang sarili, hmm
♪
Pero hanggang kailan ako mahihirapan?
Ano kung walang kasiguraduhan?
Ah basta, gusto ko lang namang magpalutang-lutang
Magpatangay sa banayad na ihip ng hangin
Nakakapagod ang puro pangangamba
♪
Kailangan ko yatang matutong huminga
♪
Simula sa 'king pagkabata
Palaging ginigipit ang sarili
Nakalimutan kong magpakasaya
Pero hanggang kailan ako mahihirapan?
Ano kung walang kasiguraduhan?
Ah basta, gusto ko lang namang magpalutang-lutang
Magpatangay sa banayad na ihip ng hangin
Nakakapagod ang puro pangangamba
Kailangan ko yatang matutong huminga
♪
Ano naman kung walang kasiguraduhan?
Ano naman kung walang kasiguraduhan?
Ano naman?
Ano naman? Ano naman?
♪
Ayos lang, ayos lang naman
Ayos lang naman
Ano naman kung walang kasiguraduhan?
Lyrics provided by LRCLIB