Nakasimangot ka palagi
Nawawala ba ang 'yong ngiti
Minsan ikaw ay lumuluha
Panay kulubot na ang iyong mukha
Bakit ang trip mo ay magsad trip
Naubusan ka ba ng masusuot na brief
Tingnan mo ang iyong sarili
Ang buhay mo ay meron pang silbi
Tuwing ika'y dumaraan
Sinusundan ka ng tag-ulan
Habang buhay ka bang ganyan
Araw-araw na lang sad trip na naman
Nakatulala ka na naman
Ano ba ang 'yong tinitingnan
Tigilan mo na kaya iyan
Hindi mo ba naiintindihan
Tuwing ika'y dumaraan
Sinusundan ka ng tag-ulan
Habang buhay ka bang ganyan
Araw-araw na lang sad trip na naman
Lyrics provided by LRCLIB