Lyrics
Isang araw, nagmamaneho sa Cubao Aking nakita, babaeng saksakan ng ganda Sinundan ko ang kotseng sinasakyan n'ya Hindi ko nakitang may dumarating pala Hindi ko naiwasan, kami biglang nagkabanggaan
No'ng magkamalay ay nasa ospital na ako Inasikaso ng doktor na pili ng nanay ko Biglang-bigla na lang, ang nurse nand'yan na At para 'kong nakita ng angel sa ganda Kahit nagdedeliryo, ito'ng nasabi ko sa kanya
Ale, nasa langit na ba ako? (Ale, nasa langit na ba ako?) Mama, kayo po ba si San Pedro? (Kayo ba si San Pedro?) Okey lang sa akin kung ako'y dedo na (dedo na) Basta't ikaw ang lagi kong kasama Kaya Ale (Ale, Ale), nasa langit (Ale, Ale) na ba ako?
At paglabas ko, niyaya ko na s'yang pakasal Tinanggihan n'ya, at nasabi may asawa na sya Dinamdam kong masyado'ng sinabi nya Hindi ko nakita, hagdan ubos na Ako ay nahulog, sa semento ulo ko'y nauntog
No'ng magkamalay ay nando'n na naman ako Inasikaso ng doktor na pili ng utol ko Biglang-bigla na lang, ang bagong nurse nand'yan na Tinanong ko muna s'ya kung may asawa na s'ya Ang sabi n'ya wala, ang puso ko'y biglang natuwa At nasabi kong
Ale, nasa langit na ba ako? (Ale, nasa langit na ba ako) Mama, kayo po ba si San Pedro? (Kayo ba si San Pedro?) Okey lang sa akin kung ako'y dedo na (dedo na) Basta't ikaw ang lagi kong kasama Kaya Ale (Ale, Ale), nasa langit (Ale, Ale) na ba ako?
Oh Ale, nasa langit (Ale, Ale) na ako Ale (Ale, Ale), nasa langit na ba ako?
Lyrics provided by LRCLIB
About this track
"Ale" is a song by The Bloomfields from the album The Bloomfields.
More from this album
More Lyrics
Artist
The Bloomfields →Album