Tanggap ko na tayong lahat ay magwawatak
May oras ang tampo, luha, at pagkagalak
Nagsimulang nangangapa nang nakayapak
Magkakasamang hinarap ang mga lubak
Huwag matakot magkamali
Lahat ay nagsisisi
Damdamin ang sandali
Namnamin mga saglit
Lilipad sa hangin
'Di na iisipin
Kakalimutan natin
Ang mga hinanakit
Parang kahapon lang no'ng tayo'y magkasama
'Di namalayan, tayong apat ay tumatanda
Ngunit ngayon, tatanggapin na tayo ay magkakaiba
Alaala nga na lang kung sino ang mabaho ang paa
Katotohanan na mapait
Lilingon nang may hapdi
Lilipad sa hangin
'Di na iisipin
Kakalimutan natin
Ang mga hinanakit
Walang mga pangalan
Ngayong kasalukuyan
Ito ang kapalaran
Nating magkakapatid
Nakakapagtaka
Nakakapagtaka
Nakakapagtaka
Nakakapagtaka
(Nakakapagtaka) Nakakasawa
(Nakakapagtaka) Nakakasawa na
(Nakakapagtaka) Nakakasawa
(Nakakapagtaka) Nakakasawa na
(Nakakapagtaka) Pigang-piga na
(Nakakapagtaka) Pigang-piga na ako
(Nakakapagtaka) Dere-deretso
Deretso
Lilipad sa hangin (nakakapagtaka)
'Di na babawiin (nakakapagtaka)
Retrato'y iipunin (nakakapagtaka)
Hanggang sa mailibing (nakakapagtaka)
Lahat ay may hangganan (nakakapagtaka)
Sa pagkakaibigan (nakakapagtaka)
Dapat matutunang (nakakapagtaka)
May wakas ang sandali (nakakapagtaka)
Nakaraan ikukubli (nakakapagtaka)
Lyrics provided by LRCLIB