Lyrics
Nag-iisa, nakadungaw Sa bintana; ako ba'y nagkulang? Nakaupo, lumalayo Sa tukso, upang 'di na magulo
Isasayaw ka sa ulap At mag-uusap, hindi manghuhula Isasayaw ka sa ulap Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan
Nagkamali ba ako sa 'yo? Nananatiling blangko ito (blangko ito) Naririnig ang tinig mo Nabubuong muli ang pag-ibig ko (ang pag-ibig ko)
Isasayaw ka sa ulap At mag-uusap, hindi manghuhula Isasayaw ka sa ulap Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan
Oh, gusto kang makasama Ako na ang bahala Huwag ka lang mawalay Atin nang kulayan ang ating mundo
Tumingin sa akin Langhapin ang hangin Bakit ba nasanay? Isip ay nadadamay sa puso
Isasayaw ka sa ulap At mag-uusap, hindi manghuhula Isasayaw ka sa ulap Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan
Nag-iisa, nakadungaw
Lyrics provided by LRCLIB
About this track
"Ulap" is a song by Rob Deniel from the album Ulap - Single.
More Lyrics
Artist
Rob Deniel →Album